Philippine Disinformation Studies Syllabus

Philippine Disinformation Studies Syllabus is a dynamic, collaborative, and open-access syllabus where academics from various disciplines can connect with middle and high school teachers, librarians and media literacy experts, and civil society leaders to co-design educational tools that empower Filipino citizens.

The Philippine Disinformation Studies Syllabus is a dynamic, collaborative, and open-ended educational resource for teachers and learners of all ages interested in the critical study of social media and their impacts on Filipino politics and public culture at large. This syllabus pulls together key foundational texts written by Filipino scholars at home and overseas from various backgrounds of sociology, media studies, political communication, political science, etc. We include top-cited research papers as well as studies that we feel deserve more attention for their unique contribution.

The Syllabus—and the PH Disinfo Hub—aims to be an ever-evolving archive not only of academic research but also investigative reports, digital literacy modules, social media explainers, and other educational resources that can be used in classrooms, newsrooms, and arts and activist communities to better engage and empower those interested in the topic.

Given the speed at which disinformation evolves, we will constantly update the course content and suggested class activities. We have partnered with community organizations who are experts at translating complex concepts to diverse communitiesdifferent age groups, ethnolinguistic groups, and interest groups. We invite readers and potential partners to engage with our Syllabus and educational resources and adapt them for their learning communities.

The modules are written in Taglish (with beki-speak mixed in) to make the content more accessible and relatable, reflecting back the most common questions we ourselves are asked by college students around the country. We continue to seek out collaborators with different linguistic expertise around the country to translate and contextualize the content appropriately.

Let’s dive deep into this rich and complex subject!

Contributors: Rossine Fallorina, Jose Mari Lanuza, Nicole Curato, Ferdinand Sanchez II, and Jonathan Corpus Ong

How to cite: Fallorina, Rossine, Jose Mari Lanuza, Nicole Curato, Ferdinand Sanchez II, and Jonathan Corpus Ong. 2024. “Philippine Disinformation Studies Syllabus: A Critical Approach.” Sigla Research Center. www.siglaresearch.org/syllabus/.

Vicente Rafael on colonial era propaganda

As a former colony, the Philippines is no stranger to historical propaganda campaigns intended to sow divisions in our country and perpetuate race, gender, and class hierarchies. Vicente Rafael’s book discusses how Spanish friars and political elites from 1580 to 1705 made use of religious texts and community rituals to silence political dissent. We can revisit this historical study for thinking through the longer (and racialized / classed) histories of information manipulation in our country.

Fred Schaffer on voter literacy

Do the Filipino poor make “dumb” voting choices? Are voter literacy campaigns out of touch and ineffective, maybe even classist and divisive? In this piece about the 2001 elections following the ouster of President Joseph “Erap” Estrada, Fred Schaffer analyzes how well-intentioned voter outreach programs might carry classist assumptions about the “masa” they are trying to educate.

Chay Florentino-Hofileña’s News for Sale on elite media control

Before disinformation, was there only reputable news and information? Not so, according to investigative journalist Chay Florentino-Hofileña. In this book, she argues that systemic corruption has plagued Filipino journalism, particularly during elections when media is often manipulated to serve the political agendas of candidates. This book is an empirical argument against the romanticized assumption that there was once a bygone “golden” era in Philippine news media.

Jonathan Corpus Ong and Jason Cabañes’ Architects of Networked Disinformation on the political economy of disinformation

The first and still one of the few ethnographic studies in the world retelling human stories behind fake news production, the report uncovers how economic precarity, worker exploitation, and moral displacement are behind the business of disinformation. Poynter’s global survey of fact-checkers cites the study as one of the top 5 “most useful” studies in their practice – and unfortunately the only qualitative paper and only global South research in Poynter’s Top 5.

Jason Cabañes on grounding disinformation’s persuasive power in the cultural, emotional, and social experiences of the everyday

Rather than understanding disinformation as just a matter of bad information supply, Cabañes’ article urges us to pay attention to deep stories that make disinformation convincing and attractive, in order to develop interventions that target these imaginaries, more directly addressing disinformation’s roots than its symptoms.

Nicole Curato, Jonathan Corpus Ong, and Ross Tapsell on deliberation about disinformation

In a society that’s becoming increasingly polarized, deliberative discussions are critical for hearing diverse voices and finding common ground. This report draws on a citizens’ forum where Filipinos linked “fake news” to vote-buying and media bias, stressing personal responsibility and proposing reforms like anti-disinformation laws and media literacy. By creating a space for critical assessment and perspective- taking, deliberation empowers citizens to develop informed and inclusive solutions to combat disinformation.

EXPLORE OUR MODULES AGAINST DISINFORMATION

Puro ka fake news, fake news, fake news!:
Introduction to disinformation studies in the Philippines

Panay fake news ba laman ng social media feed mo? Naiinis na sa friends at kamag-anak na nagshe-share nito? Same! Pero sa trew lang, kahit understandable naman ang pagkainis dahil may paki ka sa katotohanan at sa tama, hindi dapat tayo-tayo ang nagkakagalitan! Narinig mo na ba yung chika na ang Pilipinas daw ang ground zero sa pag-gamit ng disinformation sa eleksyon? May basis naman. Pero di na tayo nakawala sa ganung kwento teh! Kaya ayan, hanggang ngayon nagsisisihan ang mga kapwa Pilipino. Pero hindi lang naman isang higanteng horror story ang ating bansa. So paano nga ba natin pwedeng isipin ang disinformation sa Pilipinas?

Imbis na mainis ka lang sa mga kakilala mong nabubudol ng fake news, natanong mo na ba sino ang gumagawa nito, paano nila ito ginagawa, at anong nakukuha nila dito? Halimbawa, sa pag-aaral na “Architects of Networked Disinformation,” ipinakita na meron palang industriya ng  paggawa ng disinformation, na malaki ang kita dito ng mga “chief architects” ng nakikita nating fake news, at na mga propesyunal at edukado ang gumagawa ng mga ito (Ong and Cabañes 2018). Hindi madaling uubra dito ang mga fact check. So talagang well-designed ang mga ito para maniwala tayo! Parang mas dazerb na sa chief architects tayo mainis?!?

Uso pa din hanggang ngayon (!!!) ang mga kuda tungkol sa bobotante, lalo na pag nagsisisihan kung bakit nanalo ang dating pangulong si Rodrigo Duterte, o ang kasalukuyang pangulong si Bongbong Marcos. Because?!? Alam mo ba, napakita na sa mga ethnographic na pag-aaral na ang pagkapanalo at kasikatan ni Duterte ay dahil sa kaniyang “populist appeal” na lapat sa mga takot at pag-asa ng mga Pilipino (Curato 2016). Para sa ilan, ang kakaiba at mapaglarong paggamit ng salita ni President Duterte ang dahilan ng kanyang appeal sa mga Pilipino (Rafael 2022). Napakita na din sa mga pag-aaral na merong malaking investment ang panig ni Marcos sa disinformation at influence operations (Gaw et al. 2023), katulad ng mga operasyon ng chief architects na nachika sa itaas.

Ngayon, madalas pinag-uusapan ang papel ng social media sa pulitika na black and white. Minsan sinasabing nakaka-brainwash ito o ‘di kaya hayagang hindi pinapansin ang epekto sa atin. Sa tingin namin, hindi lang ‘yun ang sagot. Imbis na sisihin lang natin ang isa’t-isa, o sisihin lang natin ang social media, baka mas bet natin singilin yung mga kumikita sa disinformation, at yung mga nagbabayad para sa disinformation! Kung ganun, baka mas bet din nating alamin bakit ba may iba’t-ibang lived experiences (lived experiences?!?) na mas nasasamantala ng influence operations.

Sa Module 2 ay tatalakayin natin kung paanong hindi naman pala bago ang disinformation! Ano ang mga nakaraang porma nito? Paano ito ginagawa noon? Sino ang nakikinabang? Kaakibat nito ang Module 3, na tatalakayin ang political economy ng disinformation. Paano ba pinapaandar ng pera at political will ang industriya ng disinformation sa bansa? Kanino ba talaga tayo dapat magalit? Pag-uusapan naman sa Module 4 kung bakit may mga naratiba na mas tumatagos sa mga disinformation audiences, at bakit parang minsan mas convenient maniwala sa disinformation.

Naging maingay ang mga panawagan para sa mas malakas na batas kontra sa disinformation pagkatapos ng 2022 elections. Naging maingay din ang pagpuna sa mga social media platform dahil sa kanilang pagpapabaya. Kailangan daw panagutin ang mga platform na katulad ng Facebook, YouTube, at TikTok. Sa Module 5, tatalakayin kung mabisang sagot nga ba ang mas mahigpit na batas, at kung ano ang mga posibleng mangyari kung hindi demokratiko ang pamahalaang magpapa-tupad nito. Sa Module 6 naman, pag-uusapan ang technological determinism, at kung bakit hindi sapat na sisihin lang natin ang social media.

So ano na? May pag-asa pa ba?  Kung kami ang tatanungin, afkars! Sa Module 7 ay pagpaplanuhan natin paano ba ang tamang pakikitungo sa mga kakilala na hindi natin pareho ng pananaw, lalo na sa mga malapit sa atin na nabiktima ng fake news. Sa Module 8 naman ay pag-uusapan natin kung paano pwedeng angkinin muli ang ating social media mula sa mga disinformation architect, at mga troll.

Ultimately sizmars, gusto naming ma-sight ng mas maraming tao yung mga hidden factors na dapat natin i-consider tuwing nakakakita tayo ng fake news sa feed natin. Paano nga ba natin dapat isipin at intindihin ang fake news, o disinformation, o influence operations? Paano nakakaapekto dito ang ating identity, location, history, at culture sa pagpapalaganap ng fake news? And ultimately, ano ang pwede nating gawin? Dahil yes, may pwede pa tayong gawin! Kaya magkasama nating aralin ang iba’t-ibang pananaw tungkol dito, para mabawasan ang ating stress at mas ma-empower pa tayo!

Recommended Reading

Further Readings

Disinformation? Gurl, tagal na yaaan: Historical Approaches to Disinformation Studies

Nabalitaan mo na ba yung Golden Arinola? Eh yung Tallano Gold? Ilan lang ito sa mga bagay na “golden” sa ating kasaysayan na hindi totoo pero tumatak sa mga Pilipino. Napapatunayan nito (at ng iba pang mga halimbawa sa ating nakaraan) na hindi na bago ang disinformation (Posetti and Matthews 2018; GMA Integrated News 2022). Matagal na itong ginagamit para sa pampulitikal na interes at nakaiimpluwensya sa ating mga paniniwala at desisyon sa buhay (National Historical Commission of the Philippines 2016; Bautista 2018).

Noong Spanish colonial period, lumitaw kung paano ginamit ng colonizers ang propaganda sa bihis ng mga religious texts para ma-control tayo at manipulahin ang public perception (Rafael 1993). Kakabit nito ang pagpapalabas sa mga Pilipino bilang mga primitibong tao, katulad ng exhibit ng mga Igorot na pinilit kumain ng aso sa St. Louis World Fair noong 1904 (Castro 2008). Dahil sa mga kolonyal na karanasan, naging kasabwat din ang midya ng postcolonial na mga bansa sa pagtuturo sa mga nasakop na sila ay kulang sa disiplina at makikinabang sa makapangyarihang estado (Chakravartty and Roy 2017) at mga lider na may kamay na bakal. Sounds familiar? Parang linyahan ni Marcos Sr. noong Martial Law, at ni Duterte tungkol sa war on drugs noong 2016.

Mas specific pa sa Pilipinas, makikita natin na noong 1990s, ang TV ay hindi lang daan para sa impormasyon kundi sa malawakang disinformation din. Noong panaon ng Martial Law, ginamit ang TV bilang propaganda machine para i-promote ang “Bagong Lipunan” at i-silience ang kritiko nito para mahubuog ang pampublikong pananaw (Coronel 1999). Sa panahon naman na mahina ang estado, lalo dahil sa neoliberalism at tuwing krisis, nagiging papel ng ng private TV companies ang tagapagbigay ng tulong at serbisyo naa dumadagdag sa papel ng media sa pag-shape ng ating lipunan (Ong 2015).

Sa paglipas ng panahon, ang disinformation ay nag-iba ngunit pabago-bago pa rin hanggang sa ngayon. Ating balikan ang iba’t ibang halimbawa nito sa kasaysayan.

Recommended Reading

Multimedia Resources

Further Readings

Bayaran nga, e sino ang nagbabayad?!: The Political Economy of Disinformation

Open minded ka ba? Charot! Hindi ito pyramid scam, pero gusto namin ibenta sayo na hindi lang tungkol sa edukasyon o fact-checking ang disinformation. May mga sistematikong dahilan kung bakit tila booming ang negosyong ‘to.

Pag-usapan natin ‘yung fake news at trolls kaugnay sa mas malawak na problema: kung bayaran ang mga “troll,” sino nga ba nagbabayad sa kanila? Bakit may pumapayag maging troll? Kung may “script” ang fake news, sinong gumagawa? Paanong pare-pareho ang kinakalat? Sa mainit na usapin ng disinformation, kailangan ding tingnan kung sino yung nagpopondo, nagpapatakbo, at kumikita sa industriyang ito.

Sa ulat na “Architects of Networked Disinformation,” isiniwalat ang “shadow industry” na pinangungunahan ng mga pinuno mula sa PR/advertising industry na sila ring nagbibigay-trabaho para maging troll (Ong and Cabañes 2018). Para sa isang aktibista na dating nagtrabaho sa industriya ng advertising, “open secret” ang matagal na pakikilahok ng industriya sa mga kampanya ng mga pulitiko (Rama 2019). Sa mga episodes 2 at 10 ng podcast na “Catch Me If You Can,” ikinwento ang mga aktwal na operasyon noong mga nakaraang eleksyon.

Sa loob ng tatlong eleksyon, may sapat na ebidensya na ang political campaign work o influence operations ay naging normal at hindi na bago sa ating pamumuhay. Bagamat kailangan talaga ng mga pulitiko ang ganitong serbisyo, marami rin sa mga political influencers sa social media ang na-eengganyo sa malaking kita dito. Ayon sa isang ulat (Gaw et al. 2023), aabot ng 600 milyon hanggang 1.5 bilyong piso ang inilaan na bayad para sa influence operations work noong 2022 national elections. Ang laki diba?!

Madaling i-bash at sisihin ang mga gumagawa ng disinformation dahil sa mga naging epekto nito. Bilang pagtutol, madalas pag-call out at cancel ang ginagawa ng karamihan. Mas mainam na tanungin: bakit nga ba may ganansya o incentive sa mga Pinoy para maging bayaran na troll? Sa isa pang pag-aaral, idinetalye na malaki ang kita ng fake account operators at digital influencers sa komunidad. Ipinaliwanag din sa artikulong ito ang moral justification o pangangatwiran ng mga manggagawa sa pagiging troll (Ong and Cabañes 2019).

Recommended Reading

Multimedia Resources

Further Readings

Uto-uto ba ang mga Pinoy?: The Sociology of Disinformation

Kung hindi matigas ang ulo, sinasabing uto-uto raw ang mga Pilipino. How true!?

Nako, mahaba-habang usapan yan. Pero let’s keep it real, hindi nakakulong sa personal na kakayahan na mag-isip o mag-research ang problema sa disinformation. Grabe, sistematiko ang pagkalat ng maling info, at hindi lang ito nakaka-apekto sa pag-iisip natin, pati sa ating mga damdamin at iba pang mga sensibilidad bilang tao.

Hindi rin umiiral ang disinformation nang mag-isa. Kasama ‘yan sa sistema at mga institusyon ng lipunan, kabilang na ang kalagayan ng ating demokrasya at relasyon natin dito (tingnan ang Part 1). Kabilang din sa diskusyon na ito kung paano tayo bumoboto at bakit natin binoboto ang mga partikular na kandidato (tingnan ang Part 2). Panghuli, mahalagang intindihin kung paano nakakaapekto ang platforms ng disinformation—internet at social media—sa mismong problema ng disinformation (tingnan ang Part 3).

Ilan lang ‘yan sa mga konteksto kung saan tayo nag-iisip at gumagalaw bilang Pilipino. It’s complicated.

Part 1: Democratic Deficits in the Philippines

Recommended Readings

Multimedia Resources

Further Readings

Part 2: Political Attitudes

Recommended Readings

Further Readings

Part 3: Social Media Platforms

Recommended Readings

Further Readings

Parusahan ang mga Marites!: Legal Debates on Disinformation

Paano ba natin mapipigilan ang pagkalat ng fake news? Pwede kayang i-kulong na lang ang mga nagkakalat nito para tapos na? Pero alam mo, kailangan ng batas para diyan. Ang isa pa nating isyu ay kung sino ba ang magta-takda ng ganitong batas, at  paano nila masasabing fake news ang isang bagay o hindi? Paano kung ito ay opinyon o kritisismo lang? Sa ganitong pagtanong natin makikita na delikado sa ating mga karapatan ang balewalang pagsasabatas laban sa fake news.

Ano nga ba ang mga para-paraan ng mga gobyerno ng iba’t-ibang estado para solusyonan ang disinformation? May nag-classify na ng mga effort na ‘to, pero ayon sa pag-aaral dapat mas siyasatin natin ang mga structural issue ng ating mga lipunan, at alamin kung paano ang mga proseso ng media at ano ang epekto nito sa mga tao para matukoy ang puno’t dulo ng fake news (Alemanno 2018).

Sa mga bansa na tinatawag na Global South o hindi maunlad kumpara sa mayayaman na bansa (Global North), ginagamit ng gobyerno ang batas laban sa disinformation para patahimikin at atakihin ang mga kritiko, lalo sa mga authoritarian na konteksto. Ayon sa iba’t ibang report, ginagawang sandata ang konsepto ng “fake news” at regulasyon para i-manipulate at kontrolin ang impormasyon (tingnan ang iba’t ibang pag-aaral sa ibang bansa; George 2019; Lim 2022; Mahapatra et al. 2024).

Pero palaban tayo, eh! Dito sa Pilipinas may mga grupo na gustong mas accountable ang mga broadcast company at social media platform sa paglaban sa disinformation at maging mas mahigpit sa pag-implement ng kanilang community guidelines (One News PH 2022). Ayon sa dating Associate Justice sa Supreme Court, dapat daw i-amend ang libel law para ma-cover nito ang fake news mula sa mga fake account ng mga troll (Ramos 2021). Mungkahi naman ng isang 2022 Senate report ang sapilitang financial disclosure mula sa social media personalities para magka-alaman kung sino ang mga bayaran at mga limitasyon sa budget ng mga nangangampanya para naman patas ang labanan (Senate of the Philippines 2022). Maganda naman ang ilan sa mga effort na ganito, pero may mga risky na suggestion tulad ng nagsasabing dapat daw i-require ng social media companies na i-reveal ang identity ng mga user. Lagot ang mga may alter diyan!

Sa amin lang ‘to, ha? Pero hindi kami pabor sa mga solusyon kung saan malaki ang role ng gobyerno, o kaya ang mga legal effort na nakikitang pag-regulate ng social media ang sagot sa disinformation. Sa isang artikulo, pinakita rin na mapang-abuso ang mga authoritarian na gobyerno sa mga batas na supposedly panlaban sa disinformation dapat (Ong 2021). Habang mahalaga ang polisiya laban sa disinformation, hindi pwedeng ituring na masosolusyunan lahat ng regulasyon ang problema, lalo kung ito ay papabor sa interes ng mga lawmakers o makapanyarihan – isang sitwasyon na akma sa konteksto ng Pilipinas.

Recommended Reading

Multimedia Resource

Further Readings

Sa kaka-TikTok mo yan eh!: Disinformation beyond Technological Determinism

Bakit nga ba maraming napapaniwala sa disinformation? Tama ba ang mga magulang natin na naloloko tayo sa kaka-TikTok? Depende lang ba talaga sa kung anong media ang ginagamit natin? So ibig sabihin, social media lang ang may kasalanan? Sashay away sa mga ganitong ideya!

Kapag may bagong technology, exciting ma-imagine ang mga pagbabagong dala nito, ‘di ba? Ngunit marami din sa atin ang anxious o takot din sa mga problemang pwedeng dala nito. Kaya pag nag-uusap tayo ng disinformation, minsan parang nakakapanic at nagmumukhang sobrang powerful nito (Cabañes 2020). May mga nakakakita naman sa disinformation bilang technological issue lamang, na kung tinanggal mo ang social media solb na ang fake news. True naman na napabilis ng social media ang pagkalat ng disinformation, pero hello? May disinformation na bago pa ‘man nagkaroon ng social media, iba lang ang mukha niya  (tingnan Possetti and Matthews 2018).

“Technological determinism” ang tawag sa ganitong pananaw kung saan para bang napaka-makapangyarihan ng social media, at tayong users ay madaling ma-brainwash sa lahat ng nakikita natin online (Media Commoner and Ong 2022). Sa ganitong pananaw nanggagaling ang paniniwalang “bobotante” ang masa at nalinlang lamang sila ng mga fake news narrative para iboto ang mga maling kandidato. Sa totoo lang, hindi ganoon ka-simple ang dahilan kung bakit naniniwala tayo sa misinformation at kung ba’t ba ang tigas ng ulo natin kapag kino-korek kasi maraming psychosocial factors ang nag-iimpluwensiya sa ating pag-iisip (Ecker et al. 2022). Sa isang comparative study ng mga bansa sa sub-Saharan Africa, nakita na ang mga kabataang media consumers ay gumagamit ng iba’t ibang paraan para suriin ang katotohanan ng impormasyong kanilang nakikita. Isa sa mga pangunahing motibasyon sa pag-share ng misinformation ay ang sense of civic duty, tulad ng pagbabahagi ng health-related information at mga babala tungkol sa terorismo o karahasan, ngunit nagbabago ito depende sa paksa. Mahalaga rin ang papel ng humor, lalo na sa mga usaping pampulitika, sa pag-share ng misinformation (Madrid-Morales 2021). Kung ganoon, ang mga desisyon na ito ay rasyunal at bunga ng mabuting hangarin. Hindi dahil sila ay bobo o may problema sa moralidad.

Kapag technologically determinist ang tingin natin sa issue, maaaring technologically-focused ‘din ang ating mga solusyon katulad ng bot-detection, focus sa pag-ban ng mga troll, at mas mahigpit ng content moderation at fact-checking sa social media. Nakakatulong naman talaga ang fact-checking (Bhargava et al. 2023), pero posibleng magdulot dito ang pananaw na biased o “bayaran” ang mga gumagawa nito (Bachmann and Valenzuela 2023), pati ang mga nagpapatakbo ng mga media literacy initiative (Hameleers 2023). Iniimbita tayo ng isang grupo ng researchers (Mendoza et al. 2023) na pag-isipan kung effective ba talaga ang digital literacy dahil kahit finocusan natin ‘to noong 2022 elections, ang lakas pa rin ng epekto nito sa boto ng mga tao. Siyempre, ayaw nating masayang ang ating effort! We believe na pwedeng unahan ng civil society ang fake news by being proactive imbis na nagre-react lamang tayo, at isa sa mga paraan na pwede nating tingnan ay ang “prebunking”  (Lewandowsky and Van Der Linden 2021).

Sa pangkalahatan, ang pagtutok natin masyado sa mga tech-centered solutions ay pwedeng maging delikado dahil maaaring gamitin ito laban sa mga tao o grupo na matagal nang walang kapangyarihan sa lipunan (Paris and Donovan 2019). Dapat tayo manatiling kritikal sa mga mungkahing batay sa moral panic at nakasentro lang sa teknolohiya na hindi nakikita ang mas malawak na social context at maaaring magdulot ng mga unintended harms (tingnan ang Child Online Safety Legislation sa US: Marwick et al. 2023). Baka kailangan nating mag-imagine ng ibang mga paraan bukod sa pagpapakalat ng objective facts at tamang impormasyon. Pwede nating intindihin ang social narrative ng mga Pilipino at alamin ang mga nag-shape nito bilang isang sagot sa mga epekto ng disinformation (Cabañes 2020).

Recommended Readings

Multimedia Resource

Further Readings

Friendship over na ba talaga?: Pathways for Transforming the Public Sphere

Oras na ba para mag-unfriend o mag-block? Paano ba dapat online? Paano kung hindi na talaga matiis? Baka pwede namang gawan ng paraan! 

Sabi ng isang political philosopher, “Para umunlad ang ating demokratikong pagkilos, kailangan nating humanap ng mga bagay na gagawin nang magkasama.” In short, no man is an island—charot! Sa librong Overdoing Democracy, pinu-push ang paggawa ng mga espasyong off-limits ang pulitika. Dito, mas lalalim ang koneksyon natin sa ating mga pulitikal na kaaway. Posible ba ‘yun? Ito ba ang solusyon para mabago ang ating public sphere? Dapat nga bang magkaroon ng mga espasyong walang pulitika? Anong tingin mo?

Chika naman ng ibang political scientists, ang sagot ay ang pagkakaroon ng mas magandang espasyo para sa political communication. Walang incentive na binibigay ang ating digital public sphere sa mabubuting ugali. Kaya naman, challenge sa atin ang paglaan ng espasyo kung saan ang respeto, pakikinig, pakikipagkapwa, pagkatuto nang sama-sama, at konsiderasyon sa iba’t ibang pananaw ay binibigyan ng reward. Dito sa module ay pinag-uusapan ang debateng ito—paano babaguhin ang public sphere sa iba’t ibang paraan.

Mahirap ba ma-imagine? ‘Di naman! Isa sa mga approach na nagbibigay-halaga sa empathy at listening ay ang deliberative democracy. Isa sa mga paraan nito ay ang pakikipagtalakayan nang malaya kung saan mas lumalawak ang ating kaalaman at pag-unawa hindi lang sa paksa kundi sa tingin ng na siyang kailangan bago tayo gumawa ng kolektibong desisyon. Hindi ito bago o foreign sa atin. Tinatawag din itong pulong-pulong sa Bisaya, harampang sa Waray, at bityara sa Meranaw. Nakilala pa nga ang Naga People’s Council na gumagamit ng parehong mekanismo para ma-empower ang civil society at mga residente na pag-usapan ang mga isyung nakakapekto sa kanila at magmungkahi ng mga solusyon na magiging parte ng lokal na mga polisiya. Bukod diyan, nagamit na rin ang practice na ito para pag-usapan ang mga isyu tungkol sa COVID-19 recovery sa BARMM, problema ng disinformation, at pati na ang problema ng climate change sa buong mundo (tingnan The Centre for Humanitarian Dialogue 2022; Franco 2021; Global Assembly 2021).

Recommended Reading

Multimedia Resources

Further Readings

Hopeless na ba ang social media?! What if hindi?: Showcasing the Potential of Online Spaces

Gets naman na may nananamantala online! May self-interested actors! Pero ibig ba sabihin, wala nang pag-asa sa internet? Is the internet lost to the trolls, ika nga nila? Parang hindi naman. Kaya pa natin ‘yan!

Whatever we think of social media, nandyan na ‘yan at mas mahihirapan pa tayo kung ‘di natin siya ginamit. Napag-usapan na natin ang mga struggle natin na dulot ng social media. Para fair naman, tingnan natin ang mga mabubuting nadulot nito para sa mga Filipino. Papunta na tayo sa exciting (at encouraging) na part! Pag-usapan naman natin kung paano ginamit ang social media para sa accountability at activism, at kung paano tayo nakakapagbuo ng communities gamit ang digital platforms.

Ginamit ng underrepresented communities tulad ng LGBT+ members ng alter community ang kanilang creativity para malampasan ang mga limitation ng Twitter upang ma-fulfill ang kanilang affective, sexual, at social needs gamit ang platform (Cao 2022). Sa oras ng krisis, nagiging paraan ang digital technology para sa underrepresented communities na i-showcase ang kanilang mga social identity at palalimin ang mga relationship (Ong 2017).

Marami ding balakid ang ating nalalampasan gamit ang online spaces tulad ng limitasyong heograpikal, emosyonal, pisikal, pati ang sociocultural na pag-maintain natin ng relationships at intimacies (uy, naka-relate). Halimbawa, sabi sa isang pag-aaral, nagiging mahalaga ang scheduled Skype session para sa mga Filipino migrants para makipag-bonding sa mga pamilya nilang pansamantalang iniwan (Cabalquinto 2017). Ipinakita rin ng ilang mananaliksik ang potential ng online spaces na tumulong sa pag-develop ng “glocal intimacies” para sa mga Filipino na gustong makakilala ng potential na foreign partner (Cabañes and Collantes 2020).

Maaari ding gamitin ang digital spaces para ipalaganap ang pakikipagkapwa online. Pagkatapos ng Typhoon Haiyan, may mga kwentong ginamit ng mga nasalantang komunidad ang digital technology para mapalakas ang kanilang boses at ipahayag ang kanilang sarili (Madianou, Longboan, and Ong 2015).

Ilan lang ito sa mga halimbawa ng potential ng online spaces, digital technologies, at social media para gamitin sa mabuti. Sa puntong ito, gusto naming tanungin mo ang sarili mo kung ano pa ang ibang paraan na nakatulong ang digital technology sayo? Ano pa kaya ang ibang gamit nito para makatulong siya sa ating lipunan at kapwa? Ano-ano ang pwede nating gawin para masiguradong magiging mabuti ang dulot ng digital technology sa atin? At sa kabuuan, ano ang maaaring maging mukha ng mga online space na ang digital technology na nagsisilbi sa interest natin at hindi sa kita o sa clout?

Recommended Reading

Further Readings

If you know of any scholarly works on disinformation, please send them through the Google Form below. 
We especially welcome research conducted by undergraduate and graduate students.

All works/resources will be featured in our public database called the Philippine Disinformation Studies Collection.

We welcome any suggestions/feedback regarding the content and presentation of the syllabus. 
Reach out to us!

PH Disinfo Hub is a collaboration between Sigla Research Center and Out of The Box Media Literacy Initiative.

Share to us your thoughts on the PH Disinfo Hub!

Welcome to the PH Disinfo Hub!

Please let us know your reason(s) for visiting the Hub. Rest assured that your response will not be shared with any outside parties. Thank you!